A few days ago, Filipina drug convict Mary Jane Veloso was given a last-minute temporary reprieve by the Indonesian government from a possible firing squad. This was made possible after President Benigno Aquino III met with his Indonesian counterpart, President Joko Widodo.
The Indonesian Attorney General confirmed that the plea of President Aquino paved the way towards postponement of the execution. The Philippine government floated the idea of using Mary Jane as a witness against the drug syndicate.
However, instead of expressing her gratitude, the mother of Mary Jane, Celia Veloso engaged in a tirade during a press conference arranged by Migrante International and Kilusang Mayo Uno, known supporters of the dying leftist ideology.
She said that: "Dumaing na kami dito sa Pilipinas para maningil ng pautang sa gobyerno natin, dahil hanggang sa huli ay niloko pa rin kami. Ibinalita nya sa buong mundo na sa kanila nanggagaling ang pagkabuhay ng anak ko, kaya nakaligtas sa bitay. Hindi po totoo 'yan, wala pong katotohanan 'yon. Kaya humanda kayo ngayon. Nandito kami para lumaban sa inyo, haharapin naim kayo."
Unfortunately for the Veloso matriarch, nobody with a rational mind sympathize with her. It even generated hundreds of angry comments at her seemingly lack of gratitude to everyone who helped secure the temporary reprieve. However, no reaction generated more buzz than the one posted by Lucky Paul Zamora Taruc in Facebook last 1 May.
The post was shared by thousands of users and it reads:

"Open Letter to Mrs. Celia Veloso
Hayaan nyo pong sa inyo ko ialay ang aking unang Bukas na Liham, Gng. Celia Veloso.
Nakikiisa po ako sampu ng sambayanang Pilipino sa kagalakan ng inyong pamilya dahil sa pansamantalang pagkakaligtas ng inyong anak na si Mary Jane Veloso mula sa parusang bitay sa bansang Indonesia. Nawa’y tuluyang maibasura ang hatol sa iyong anak at mapatunayan ang kanyang pagiging inosente kung ito man po ang katotohanan. Alam po ng buong bayan maging ng buong mundo ang kalbaryong sinapit ng inyong pamilya nitong mga nagdaarang linggo dahil sa naging sitwasyon ni Mary Jane. Narinig po namin kayo, narinig po ng milyung-milyong Pilipino ang iyong pakiusap na sana ay tulungan kayong magdasal na maisalba ang buhay ng inyong anak. Marami ang nagdasal. Tumutok. Sumubaybay. At umasa rin tulad ninyo na hindi matuloy ang execution ni Mary Jane. Yun na nga po ang nangyari sa huling mga sandali ng sana’y nakatakdang pagbitay— ligtas si Mary Jane.
Sabi n’yo nga po, ‘totoong may milagro. May milagrong nangyari sa buhay ng inyong anak.’ Kaya naman ang naging trending na #SaveMaryJaneVeloso bago ang pagbitay ay naging #MaryJaneLives pagkatapos dahil na rin po sa naging takbo ng pangyayari noong mga sandaling iyon. Ang kalungkutan, napalitan ng kagalakan. Ngayon ay may pag-asa nang maabswelto ang inyong anak at makabalik sa Pilipinas at makasama kayo na kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak.
Ngunit sa inyo pong pagbalik dito sa Pilipinas mula sa Indonesia ay para pong may mali. May hindi tama. Lalo na sa inyong mga naging pahayag sa gobyerno. Ano po ang meron? Ano po ang nangyari? Hindi ko maintindihan. Hindi po maintindihan ng napakaraming Pilipino na nakakaalam sa istorya ni Mary Jane.
Hindi ako fan ni Pnoy, isa lang po akong mamamayan na marunong makiramdam sa kung ano ang tama at kung ano ang sa tingin ko’y mali. Sa punto pong ito, sinasabi ko po na sa pagkakataong ito, mali po kayo. Maling-mali.
Ano po ba ang naging utang ng gobyerno sa inyo para sabihing kayo ay maniningil? Sinong nanloko? O baka kayo po ay ang siyang nagpapaloko sa mga luku-lukong makakaliwang grupo na nag-brain wash sa inyo upang sabihin ang mga bagay na sa tingin ko’y hindi n’yo naiiintindihan ang kahulugan— tungkol sa naging aksyon ng gobyerno sa naging kaso ng anak ninyo.
Alam n’yo po, sa tingin ko, ang talumpati na inihanda n’yo ay hindi napalitan— na ang talumpating iyan ay ang siya sanang inyong sasabihin ‘assuming’ na natuloy ang execution ni Mary Jane. Sino po ang gumawa? Sinong hudas ang sumulsol sa inyo? Bakit ganun? Mali. Maling-mali. Maangas.Walang hibla ng utang na loob.
Hindi po yan ang inaasahan ng marami na marinig sa inyo. Nakakadismaya.
At isa pong paglilinaw, hindi inaako ni Pangulong Aquino ang credit sa pagkakaligtas pansamantala ng iyong anak. Wala pong ganon.
Alam n’yo kung ano ang totoo?
Nawala lang naman sa Facebook at Twitter ang mga sikat na meme at katagang “KASALANAN KO NA NAMAN YAN” ng pangulo. Dahil lahat sila 99.9% kahit yung mga kritiko ni Pnoy ay nagkakaisa sa katotohanang naging malaki ang ginampanan niya upang mailigtas ang inyong anak sa nakatakdang kamatayan.
Maaaring may naging pagkukulang po sa gobyerno sa naging takbo ng kaso sa nakalipas na limang taon pero siguro naman po ay nakita nyo na kahit sa huling sandali ay hindi sila tumigil gumawa ng aksyon mapigilan lamang ang pagbitay. Alam nyo rin po bang hindi sinunod ni Pnoy ang protocol, yun ho yung SOP, o tamang proseso na dapat sundin sa paguusap tungkol sa kaso. Dumiretso na siya kay President Widodo ng Indonesia. Nakiusap. Nagpakumbaba para sa buhay ng isang kababayan. Sabagay, ano nga naman silbi ng protocol kung urgent ang pangangailangan na maisalba ang isang buhay.
At nanay Celia, ang Attorney General na rin po ng Indonesia ang nagkumpirma na ang pakiusap ni Pangulong Aquino ang naging daan upang ipagpaliban ang pagbitay sa inyong anak nang dahil sa iminungkahi ng pangulo na gawing witness si Mary Jane laban sa drug syndicate sa likod ng kasong ito sa kabila na rin ng pagsuko ng illegal recruiter ni Mary Jane na si Kristina Sergio.
Sana nga po sa huli ay mapatunayang inosente si Mary Jane kung iyon po ang totoo at siya ay biktima lamang ng human trafficking.
Gng. Veloso, malayo pa po ang tatakbuhin ng kaso ng inyong anak. Marami pa ang pwedeng mangyari. At sa ayaw nyo po at sa hindi, ang pamahalaan lamang po ang inyong makakapitan (at dasal) sa pagkaktaong ito. Huwag po kayong masyadong lumapit at makinig sa mga taong mahaba ang nguso at kung anu-ano po ang sinasabi sa inyo. Piliin nyo rin po ang mga salitang tatanggapin nyo mula sa kanila. At sana’y sa huli malaman ninyo kung sino ang mga taong tunay ninyong kakampi sa labang ito.
Hindi po lahat ay tunay na tumutulong. Dahil ang iba ay ginagamit lamang ang kahinaan ninyo upang kanila namang i-promote ang pansariling interes. Naging biktima na po ang inyong anak, sa pagkakataong ito, huwag n’yo na pong hayaan na kayo naman ang mabiktima sa sitwasyon.
Maraming salamat."